<body>




If beauty were time, you'd be eternity.

about me..

Gina.Sixteen. In a relationship with the most wonderful guy I've ever met. A not-so-diligent student in Parañaque Science High School. Senior. A nelipot who travels in her own circumstances. Pyknic and autotonsorialist. Gluttony is my mortal sin. Auntie's Girl and proud of it.

A blog about how my life has been. And how to deal with it.
Ciao!

Daisypath Anniversary tickers

navigate here..

home Next time you point a finger, I'll point you to the mirror. archive rss feeds About Gina ©theme
other accounts..


credits

Missing Him THEME BY: ©YAM16
Made for A mirror never lies.

Day 144: Are you planning on having children one day?

Onaman. 4? 2? kahit ilan :D Dati kasi ayaw ko eh. Tapos sabi ng nanay ko sakin, hindi daw pwedeng hindi ganun kasi balang araw, wala daw magaalaga sakin kapag tumanda ako.

Kung magkakaanak ako, gusto kong nabibigay ko sa kanila yung gusto nila. Pero di naman masyadong spoiled. Tapos magiging open kami sa isa’t isa at parang magkapatid lang kami. At higit sa lahat, ayoko silang saktan. :)


Naguguluhan kasi ako eh. HAHA. Para akong baliw. HAHA

Finifill-upan ko kasi ung UPCAT form. At ang hirap kasing wala kang gustong course. Parang baliw lang ako kakahanap ng course eh. Woo. :))

So may nasulat na ako.

UP Diliman

1st choice: BA European Languages

2nd Choice: BA Linguistics

Sa isa wala pa akong napipili eh. It’s Either kung.

UP Manila

  • BA  Behavioral Sciences 
  • BA  Development Studies 
  • BA  Organizational Communication 
  • BA  Social Sciences
  • BS  Speech Pathology

UP Los Baños

  • BA  Communication Arts 
  • BS  Development Communication  
  • BS  Nutrition 

ANG HIRAAAAP. WOOOO. Kung hindi lang dahil kay mama hindi ko to gagawin eh. :(


Day 143: How important you think education is?

SOOOBRAAAA. Alam mo yung gustong gustong gusto kong maging maayos yung takbo ng education ko. HAAAY. Kung sobrang talino lang ako siguro magiging proud sakin ang parents ko at mapagsisikapan kong gawing successful ang life ko. 

Kaya ayun. Parang isang part na talaga ng buhay ko yung education. Hindi ko kayang magfail dun. Kasi masasaktan yung mga taong mahal ko sa buhay. Ayoko namang mangyari yun. :((


Day 142: How have you changed in the past 2 years?

Sobrang dami ko ng pinagbago. Hindi na ako yung tahimik na laging nandun lang sa gilid at nakikinig. Nagsasalita na rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Nagbibigay ng opinyon. Pero feeling ko hindi din nakakabuti yun eh. Parang ako pa yung napasama. Hay.


Day 141: Someone who fascinates you

Sinamahan ko yung kapatid ko sa sagala. Tapos nung sa church na kami, napansin ko agad siya. Nandun kasi siya sa altar eh, hinihintay ako. CHOS!

Napansin ko agad siya kasi Chinito. May itsura. Makikita mo rin sa tindig niya na maganda yung katawan niya. Tapos nung nagpapapicture na yung group nila, ang ganda ng ngiti niya. kita yung singkit tapos ang sweet ng smile. Nung yung kapatid ko naman yung nagpapicture dun sa harap, papaalis na sila. Tapos naamoy ko ang bango niya. Amoy baby na panlalaking scent na uggggh.

Sabi pa sakin ng kasama ko, basetball player yun. HAHA. Makakapanood ata ako ng liga nito eh. HAAHAHAHAHA

*Kalandian alert. HAHAHAHAHA KHAY*



Kalandian 101: Fireworks.

Alam naman siguro ng iba na mahilig ako sa fireworks. You know. Parang may butterflies kapag nakakakita ako ng ganyan. Parang magic.

So nung last Christmas, pumunta ako sa ATC. (Lagi naman kasi ako pumupunta dun magisa) Tapos may fireworks pala dun sa may open field banda. So ako naman tuwang-tuwa. Nagcocountdown na sila at ako nakikisabay din. Sa utak nga lang. Then, fireworks. Ang ganda ganda nya. SOOOOBRAAA. Tapos nung malapit na atang matapos, pagkatingin ko sa right side ko may guy din dun na nanood. At dun siya nakatingin sa side ko. Wala lang. HAHAHAHA Feeler kasi ako eh. Tapos ang cute niya pa. Hindi ko alam na pati pala ang mga guys natutuwa din sa fireworks. 


Day 140: How do you feel about people disrespecting their parents?

Malungkot. In a way na hindi nila pinapahalagahan yung taong napakaimportante sa kanila. 

Inaamin ko na hindi naman ako perpektong anak. Masama ako. Pero ayoko naman halos lahat ng tao ay katulad ko. At ayokon rin naman ng sobrang samang tao na halos itakwil na nila yung magulang nila sa sobrang pagkasuklam. Isipin na lang natin na inalagaan nila tayo ng 9 na buwan para lang mabuhay ay binigay nila ang lahat para satin. Diba?


Dont be afraid that im worried. With me here, wanting to smile then smile, wanting to cry then cry. Say what you want to say, there&#8217;s no need to pretend.
-Absolute Boyfriend

Kung ganito lang boyfriend mo, yung feelings eh. Di mo na kailangan itago.

Dont be afraid that im worried. With me here, wanting to smile then smile, wanting to cry then cry. Say what you want to say, there’s no need to pretend.

-Absolute Boyfriend

Kung ganito lang boyfriend mo, yung feelings eh. Di mo na kailangan itago.


Day 139: Something you can’t wait for

COLLEGE.

Ewan ko kung bakit ako lang excited sa college. Gusto ko pa naman makita mga friends ko eh. Pero may mga dahilan talaga ako kung bakit gusto ko na magcollege. :D

  • Malapit na ako magkatrabaho
  • Hindi na ako pabigat sa parents ko (Probably. Gusto ko kasing mag part time eh)
  • New school
  • New friends
  • Gusto ko ng bagong buhay. HAHAHAHAHAHAHAHA

Alam mo yung atat? Siguro ako na yun. Gusto ko na kasing makatulong sa magulang ko. Or makamenos man lang sa lahat ng gastos nila. Matanda na rin kasi sila kaya ayokong mapagod sila. Tsaka ano pang silbi ko sa mundo kung hindi ko man lang sila matutulungan?